Lalo pang pinatunayan ng determinasyon at pananampalataya ang halaga nito sa tagumpay matapos makuha ni Dr. Erwin Ken Angcual Parchaso ang top spot sa March 2026 Physicians Licensure Examination (PLE).
Si Parchaso, na minsang itinala bilang “Name Withheld” sa resulta ng board exam, ay dumaan sa mahigit 10 taon ng pagsubok sa medisina.
Mula sa pagiging repeater, hanggang sa tatlong beses na pagharap sa eksaminasyon.
Sa kaniyang unang pagtatangka, nabigo siya hindi dahil sa kakulangan ng talino, kundi dahil sa mga personal na pangyayari sa buhay.
Sa ikalawang pagkakataon, pinili niyang huwag munang sumabak at naghintay ng tamang panahon.
Sa ikatlong pagsubok, nang makita niya ang resulta na may nakalagay na “Name Withheld” sa pinakaunang puwesto, inakala niyang muli siyang nabigo.
Hindi niya alam na siya mismo ang tinutukoy rito.
Matapos ang dekada ng pagdududa, pagkakaantala, at tahimik na laban, tuluyang lumitaw ang kanyang pangalan sa tuktok ng listahan.













