-- Advertisements --

Handa si Bonifacio Ilagan na iakyat sa Korte Sprema ang kanilang disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ito ni Ilagan, isa sa mga petitioners sa 3 disqualification cases laban kay Marcos, kasunod nang dismissal ng Comelec First Division sa kanilang inihaing petitions. 

Ayon kay Ilagan, ang pagsangguni sa Korte Suprema ang nakikita nilang susunod na hakbang sa oras na ibasura ng Comelec En Banc ang kanilang ihahain na motion for reconsideration.

Posible aniyang sa susunod na linggo nila ihahain ang kanilang motion for reconsideration para sa pagnanais na mabaligtad ang ruling ng Comelec First Disqualification sa kanilang inihaing disqualification cases laban kay Marcos Jr.