-- Advertisements --
BAHA

Nananatiling basura ang pangunahing sanhi ng mga pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila ayon sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways National Capital Region.

Ayon kay DPWH-NCR Regional Director Loreta Malaluan, maraming basura ang nakukuha sa mga daanan ng tubig dahilan upang hindi nagiging efficient ang mga pumping stations.

Samantala, sinabi ni Malaluan na hindi na maiiwasan ang mga pagbaha sa maynila dahil sa hindi sapat na drainage system.

Karamihan rin aniya sa mga daan ay sementado na kaya wala ng lupa na sisipsip sa tubig.

Siniguro naman ng opisyal na patuloy silang gumagawa ng mga paraan upang masolusyunan ang mga pagbaha sa nasabing lugar.