-- Advertisements --

Tinyak ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na hindi magagamit sa pulitika ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs).

Kasunod na rin ito ng pagbibigay ng Commission on Elections (Comelec) ng exemption sa election spending ban sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Ayon kay DoTr Usec. Mark Steven Pastor, manggagaling daw sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga beneficiary sa hanay ng mga tricycle driver.

Todo pasasalamat naman si Pastor sa Comelec na agad nilang inaksyunan ang petition na ma-exempt sa election spending ban.

Kung maalala, umani ng batikos sa mga transport groups ang mabagal na aksiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaya naantala ang pamamahagi ng fuel subsidy.