-- Advertisements --
May mga pagbabagong ipapatupad si Department of Transportation (DOTr) Secretary Transportation Secretary Jaime J. Bautista sa Philippine Ports Authority (PPA).
Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng PPA, sinabi ng kalihim ang mga programa na mayroong benepisyo para mga biyahero at mga shippers.
Ilan sa mga dito ay ang pagbawas ng shipping, travel cost at ang pagkakaroon ng ligtas na pagbiyahe.
Bago kasi ang pag-upo ni Bautista ay natapos na ng PPA ang 248 seaport development projects na bahagi ito sa 568 na nakumpletong seaport na ginawa noong nakaraang administrasyon.










