Plano ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng karagdagang mga bike lane sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito ay upang mahikayat ang masa maraming motorista at mga komyuter na gumamit ng active transport, kagaya ng mga bisekleta, sa halip na mga sasakyan na siyang nagdudulot ng mataas na polusyon.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, magiging malaking tulong ito para mapangalagaan ang kalikasan sa buong bansa.
Sa inisyal na traget ng ahenisya, plano nitong makapagtayo ng 2,400 kilometro ng protected bike lane networks sa buong bansa.
Ito ay planong makumpleto hanggang 2028.
Kinabibilangan ito ng mga lugar sa NCR, Ilocos Norte, at iba pang bahagi ng Luzon, hanggang Mindanao.
Samantala, kahapon ay pormal nang sinimulan ang pagtatayo ng mga protected bike lanes sa Laoag City, Ilocos Norte. Sa nasabing lungsod, plano ng kagawaran na makapagtayo ng 3.2 km na bike lanes sa Laoag by-pass road.