-- Advertisements --
Balak na ng Department of Transportation (DOTr) na gumamit na laman ng mga QR Codes, credit cards, mobile phones bilang pamalit sa mga kakulangan ng Beep Cards.
Ayon kay DoTr Undersecretary Timothy John Batan, na ang sa mga susunod na araw ay kanilang ilulunsad ang fare collection national standard.
Bukod sa paggamit ng Beep Card ay maaaring gumamit ng ibang payment technology para sa mga jeep at bus.
Inihalimbawa nito na ang paggamit ng QR Code at ang proyekto na kasama ang LandBank na ang mga ATM at credit cards ay maaring gamiting pambayad ng mga pasahe.
Ang hakbang ay dapat gamitin dahil hindi maaaring umasa ang bansa sa iisang payment system lamang.










