-- Advertisements --

Ipinaskil na ng Department of Transportation ang mga listahan ng hotline numbers na maaring tawagan ng publiko sakaling may kailangang tulong habang sila ay pauwi sa probinsiya sa panahon ng Semana Santa.

Ang nasabing pagpaskil sa mga hotlines ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024”.

Simula sa Marso 23 hanggang Marso 31 ay nasa heightened alert ang mga iba’t-ibang ahensiya.

Magugunitang inaasahan ang nasa 2 milyon mga pasahero ang babiyahe sa iba’t-ibang pantala ng sa bansa. sa panahon ng Semana Santa.