-- Advertisements --
Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTrs) na ibalik ang mga dating rota ng mga city buses sa Metro Manila.
Ito ay bilang paghahanda sa muling pagbabalik eskuwela sa buwan ng Agosto.
Sinabi ni Land Transportation Fanchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Cheloy Garafil, na kanilang nais na ibalik ang mga pagbabalik ng pre-pandemic city buses na ruta lalo na yung mga umiikot sa mga university belt at mga paaralan sa Metro Manila.
Ang mga City buses kasi noong pre-pandemic ay binubuo ng 30 percent na bumabagtas sa EDSA.
Nauna rito ay pinulong ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang mga iba’t-ibang ahensiy para matiyak na magkaroon ng solusyon ang problemang kinakaharap ng mga transport sectors.