-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasapribado ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) operations at maintenance nito para mapabuti ang serbisyo nito.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez, na may ibang kakayahan ang mga private sector dahil sa hindi sila nababantayan gaya ng Commission on Audit kaya makakabili ang mga ito ng spare parts na gusto nila.

Magiging regulating body na lamang ang gobyerno sa mga private sectors.

Sa ilalim kasi ng kontrata ang MRTC consortium ang siyang nagpapatakbo ng MRT3 habang tinatapatan ito ng gobyerno sa pamamagitan ng equity rental kada taon.

Isa lamang magiging pasanin dito ay kapag naisapribado na ito ay tiyak ang pagtaas ng pamasahe dito pero maireregulate ito ng gobyerno.