-- Advertisements --
Hinikayat ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang mga drivers at operators ng mga public utility vehicles (PUV) na hindi nakapag-consolidate na tangkilikin ang mga livelihood programs na inilaan sa kanilang ng gobyerno.
Kasunod ito sa pagsisimula ng paghuli ng gobyerno ng mga colorum.
Dagdag pa nito na ang mga programang nakalaan ay para mayroon silang alternatibong pagkakakitaan.
Ang nasabing programa ay tinawag na EnTSUPERneur’ and ‘Tsuper Iskolar,’ kung saan tuturuan sila ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority).
Kasama ng TESDA ang Department of Labor and Employement para mabigyan ng kaalaman at pagkakakitaan ang mga operators at drivers na bigong makasali sa consolidation.