Iniulat ng Department of Transportation na nakakuha ito ng pondo para sa isasagawang feasibility study sa North Integrated Transport System(NITS) project nito.
Ang pondo, ayon sa nasabing ahensiya, ay sa ilalim ng Project Development and Monitoring Fund na pinamamahalaan ng Public-Private Partnership Center .
Ang North Integrated Transport System project ay isang multi-modal transport system na dinisenyo upang magamit bilang terminal facility sa Northern part ng Metro Manila.
Inaasahang sa pamamagitan nito ay mapapababa ng traffic congestion sa kahabaan ng EDSA, sa pamamagitan ng paglilipat sa maraming bus terminal na nasa Quezon City, papunta sa NITS.
Sa pamamagitan nito, maraming mga commuters mula sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila ang makikinapang sa mas mabilis na daloy ng trapiko.
Bilang isang integrated terminal, inaasahang magiging sentro ito ng mga northbound provincial bus na nagruruta sa Metro Manila, kasama na ang mga sasakyang may ruta mula Northern Metro Manila, papunta sa inner part ng kamaynilaan.
Kabilang sa inisyal na plano ng DOTR para rito ay ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pasilidad kagaya ng mga disenyong angkop para sa mga senior citizen, PWDs, at mga kababaihan.