-- Advertisements --
image 381

Opisyal nang itinalaga ng Department of Transportation ang bagong Officer-In-Charge ng Land Transportation Office na si Atty. Hector Villacorta.

Kasalukuyang Assistant Secretary ng Department of Transportation si Atty. Villacorta at dati ring nagsilbi bilang chief of staff ni dating Senate President Vicente Sotto III.

Naging administrator rin si Atty. Villacorta ng Philippine Veterans Affairs Office.

Bukas, Hunyo 1 ay epektibo na ang resignation ni Atty. Tugade.

Aniya, ituturn over niya ang Land Transportation Office ng mayroong mga nagawa.

Ang pagtatalaga ng bagong officer-in-charge ay kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Atty. Jose Arturo Tugade kung saan ipinaliwanag nitong maraming pagkakaiba sa kanilang prinsipyo at paniniwala ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.

Kaya naman aniya, binigyan niya ng kalayaan ang ahensya na pumili ng nais nitong mamuno sa Land Transportation Office.

Kung maaalala si Tugade ay anak ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade at siya ay itinalagang chief ng Land Transportation office Nobyembre noong nakaraang taon.