Nagpaliwanag ang Department of Transportation (DOTr) hinggil sa panuntunan nito nang pagbabalik kalsada sa mga sasakyan sa Metro Manila na nasa ilalim na ngayon ng general community quarantine.
Sa isang panayam sinabi ni Transportation Asec. Goddes Libiran, na may sinusundang “heirarchy” ng pampublikong transportasyon ang kagawaran sa pagpili ng mga pababaliking sasakyan sa lansangan.
Ibig sabihin, prayoridad daw muna ng DOTr na pabalikin sa biyahe ang mga may sasakyang kaya magsakay ng mas maraming pasahero gaya ng mga tren.
Batay sa guidelines na inilabas ng Transportation department, dadaan sa dalawang phase ang pagbabalik operasyon ng public transportation sa National Capital Region.
Mauuna ang mga tren, taxi, TNVS, point-to-point buses, shuttle services at bisikleta.
Sa June 22 naman papayagang magbalik biyahe ang mga pampublikong bus, jeepney at UV express.
“Should these higher capacity public transport be unavailable in certain areas, the DOTr will consider allowing traditional public utility jeepneys to operate, provided that they are road worthy and they secure a special permit from the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),” ayon sa DOTr post.