-- Advertisements --
Naglagay ang Department of Transportation (DOTr) ng mga tents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 para sa mga locally stranded individuals.
Ayon sa DOTr, 28 tents ang kanilang na-assemble sa social hall ng NAIA terminal 3 para magsilbi bilang pansamantalang tulugan ng mga LSIs na naghihintay ng kanilang flights.
Asahan ayon sa DOTr na sa mga susunod na araw ay madadagdagan pa ang bilang na ito.
Bae anila sa overall plan ng Manila International Airport Authority (MIAA), 100 tents ang ilalagay sa NAIA Terminal 3.
Bukod sa mga tents, naglagau din ang MIAA ng dedicated shower area sa parking lot ng paliparan na exclusive lamang para sa mga LSIs.