-- Advertisements --

Bumisita si Vice President Sara Duterte sa Archdiocesan Shrine of St. Vincent Ferrer sa Bogo City, Cebu,sa bisperas ng kaniyang impeachment trial na nakatakda bukas, July 6,2026.

Sa larawan na ibinahagi ng pangalawang Pangulo sa kaniyang social media, makikita na nagsindi ito ng kandila at nanalangin para sa kapayapaan ng bansa at kaligtasan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Kasama rin sa kanyang panalangin ang kalagayan at patuloy na pagbangon ng Bogo City matapos ang pinsalang dulot ng nagdaang malakas na lindol, kung saan nananatiling apektado ang bahagi ng simbahan at pansamantalang ginaganap ang misa sa isang temporaryong gusali sa loob ng compound.

Nais din niyang maipagpatuloy ang pagkakaisa at katatagan ng mga Pilipino, at hinikayat ang patuloy na pagmamahal sa bansa.