Muling tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na pinaiigting pa nila ang mga hakbang para matiyak ang seguridad ng publiko kasunod ng bomb threat sa Metro Rail Transit (MRT-3) nitong nakaraang araw.
Matatandaang natanggap ang bomb threat sa pamamagitan ng email.
Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, ginagawa nila ang lahat para manating ligtas ang mass transport system ng ating bansa, kaya walang dapat ikabahala ang mga mananakay.
Una rito bumuo ng task force ang Office for the Transportation Security, Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybercrime Investigation Coordinating Center, at Philippine National Police (PNP) para sa pagpapaigting ng seguridad sa transportation sector.
Patuloy din ang assessment ng mga otoridad sa anumang natatanggap na impormasyon para maagapan ang anumang posibleng mga problema.
Hiniling naman ng ahensya sa publiko na iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon para hindi ito magdulot ng pangamba sa publiko, lalo na sa riding public.
-- Advertisements --