-- Advertisements --

Nakita ng Department of Transportation (DOTr) na hindi praktikal sa ngayon ang pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, na marami pa ring mga operators ang hindi nakakapagbayad ng inutang nila sa bangko para bumili ng makabagong dyip.

Inamin nito na maraming mga kinakaharap na problema ang nasabing programa na kanilang pinag-aaralang mabuti.

Dagdag pa ng kalihim na itinigil na ng bangko ang pagpapautang para sa modernization.

Sa bawat unit kasi ay nagkakahalaga ito ng mula P2.5 milyon hanggang P2.8-M kada unit at dahil mayroong subsidy ang gobyerno ng 15 percent ay aabot pa rin sa P2.5-M ang babayaran ng may-ari at kooperatiba.

Paglilinaw naman nito na tuloy pa rin ang programa at kanilang pinag-aaralan ang mga solusyon sa nasabing problema.