Ikinalungkot ng Department of Transportation(DOTr) ang umanoy pagkaka-delay ng ilang mga malalaking infrastracture project ng pamahalaan dahil sa ibat ibang limitasyon.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
1. Cebu Bus Rapid Transit (BRT)
2. Malolos-Clark Railway project na bahagi ng North and South Commuter Railway (NSCR)
3. EDSA Greenway
4. 103-kilometer Mindanao Railway.
Paliwanag ng DOTr, ang mga malalaking imprastraktura ay prayordad ng pamahalaag Marcos ngunit may mga naging problema sa impelmentasyon.
Halimbawa dito ang Cebu Bus Rapid Transit (BRT) na kinailangang ipagpaliban pansamantala dahil na rin sa pagtaas ng passenger demand, at kailangang baguhin ang project scope.
Sa EDSA Greeway naman ay dahil sa mahabang proseso ng paglilipat sa mga utilities na maaapektuhan.
Habang ang ibang mga proyekto naman ay dahil sa budget constraint o limitasyon sa budget.