Muling iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na may mga special cases lamang na maaaring gamitin ng ibang sasakyan ang EDSA busway bukod sa mga bus sa carousel route nito.
Sinabi ni Charlie del Rosario, chief ng Command and Control Operations Center ng DOTr, na maaaring dumaan sa lane ang mga on-duty na ambulansya, fire truck, at sasakyan ng pulisya.
Pagdating sa ibang mga sasakyan ng gobyerno, tanging ang mga gumaganap ng mga tungkulin at responsibilidad sa loob ng busway ang pinahihintulutang gumamit ng ruta.
Kabilang dito ang mga nagbibigay ng construction, security, janitorial at maintenance services sa loob ng lane.
Saklaw din ng probisyong ito ang mga awtoridad ng gobyerno, tulad ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na nagpapatupad ng mga patakaran sa trapiko sa kahabaan ng busway.
Sinabi ng opisyal na magkakaroon din ng mga special situation kung saan ang isang sasakyan ng gobyerno.
Ang halimbawa ni Del Rosario ay noong kailangan ng Department of Social Welfare and Development na tumugon sa isang kalamidad.
Binigyang-diin ni Del Rosario na ang mga pribadong sasakyan na may “emergency” ay hindi pinapayagang gumamit ng busway.