-- Advertisements --

Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na luwagan ang mga requirements sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sinab ni Tranportation Secretary Jaime Bautista na sa nasabing hakbang ay para hindi magiging pabigat ito sa mga operators at drivers.

Hinikayat din ng kalihim ang mga PUV operators na mahalagang pag-usapan nila ang usapin ukol sa modernization program ng gobyerno.

Muling iginiit ng kalihim na ang modernization program ay siyang susi para maging ligtas at may kalidad ang mga pampublikong sasakyan ng bansa.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 6,814 na mga modern PUV ang pumapasada na sa iba’t-ibang panig ng bansa.