-- Advertisements --
Jeepney

Tiniyak ng Department of Transportatin (DoTr) na mahigpit nilang ipatutupad ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na panatalihin ang isang metrong distansiya sa public transport.

Ayon kay DoTr Asec. Goddes Hope Libiran, sumusunod lamang sila sa utos ng Inter Agency Task Force (IATF) kung ano ang nakapagdesisyunan ng mga ito.

Pero tiniyak naman nitong agad nilang ipatutupad ang direktiba ng Pangulong Duterte.

Una nang nagdesisyon ang IATF na ibaba sa 0.75 meters ang physical distancing policy matapos magpahayag ang ilang sektor ng kanilang pagtutol sa naturang direktiba na posibleng magpataas ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.

Una rito, inihayag kanina ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagdesisyon na ang pangulo na panatilihin ang one-meter physical distancing policy sa public transport.