-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na lalong lolobo pa ang bilang ng mga turista na bibisita hanggang sa huling dalawang linggo ng Disyembre.
Sinabi ni DoT Secretary Christina Frasco, na mula pa noong Enero hanggang sa unang bahagi ng Disyembre ay nasa mahigit dalawang milyon na ang bilang ng turista na bumisita sa bansa.
Para lalo aniyang mahikayat ang pagtaas ng bilang ng mga magtutungong turista ay inilunsad nila ang programang “Bisita, Be My Guest”.
Layon ng nasabing programa na pasiglahin ang turismo sa bansa.
Sa bawat mahikayat aniya ay may raffle promo na maaring magwagi ng isang condominium unit, kotse at travel package.
Dagdag ng kalihim na sa ganitong paraan ay mapaparami pa nila ang mahihikayat na bisita.










