Sasailalim na rin sa self-quarantine si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat matapos na nagpositibo sa COVID-19 si AFP chief General Felimon Santos Jr.

Sa isang statement, sinabi ni Puyat na nakasama pa niya sa isang pulong si Santos noong Marso 20.

Dahil hindi naman siya nakakaranas ng sintomas, sinabi ni Puyat na hindi na siya sasailalim sa COVID-19 test.

“Since I do not show any signs nor symptoms, I will not be having myself tested in order to save the limited supply of testing kits to people who truly need it,” saad ng kalihim

“By staying at home, I will not put anyone I come in contact with at risk. The safety of those around me is my priority,” dagdag pa nito.

Sa kabila nang pananatili sa bahay alinsunod sa safety protocols na inilatag ng pamahalaan, tiniyak ng kalihim na hindi maapektuhan ang kanyang trabaho.