-- Advertisements --
Inabisuhan si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na sumailalim sa 10-day self-quarantine matapos kumpirmahin na nagkaroon ito ng close contact sa isang COVID-19 positive.
Sa inilabas na pahayag ng DOT, tiniyak ng ahensya na negatibo ang resulta ng RT-PCR test ng kalihim ngunit itutuloy pa rin nito ang kaniyang self-isolation bilang pag-iingat.
Hindi na naglabas pa ang tourism department ng karagdagang detalye kung paano na-expose si Puyat sa nasabing pasyente.
Nakatakda sanang magpunta ng Boracay si Puyat upang magsagawa ng last minute inspection bago tuluyang magbukas muli ang turismo ng nasabing isla ngayong araw.










