-- Advertisements --

Pumirma ng kontrata ang Department of Tourism at Small Business Corporation (SB Corp) para magbigay ng pautang sa mga micro,small and medium enterprise sa tourism industry.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na layon ng nasabing programa ay para mabuhay ang sektor ng turismo ng bansa.

Sa nasabing CARES for TRAVEL program ay magkakaroon ng zero interest ang mga pautang at ito ay non-collateral na aabot pa ng hanggang apat na taon.

Tanging babayaran lamang ng mga borrower ang one-time service fee na nasa maximum ng 8 percent para sa 4-year loan.