Sisikapin ng Department of Tourisim (DOT) na kanilang maipapatupad ang anila’y mga “best practices” sa pagsalubong sa mga atleta at bisita para sa Southeast Asian Games.
Ito ay matapos na magreklamo ang football teams ng Thailand, Myanmar, Cambodia, at Timor-Leste kamakailan dahil sa kanilang matagal na paghihintay sa airport at makapasok sa kanilang tutuluyang kuwarto sa hotel.
Gayunman, sa isang statement, sinabi ng DOT na hindi nila papayagan na maulit pa muli ang mga aberya ito.
Kaya naman simula ngayon ay mayroon nang mga kinatawan ang DOT sa lahat ng airport reception at departure activites ng mga delegado ng SEA Games.
Bukod dito, makikipag-ugnayan na rin ang DOT sa mga hotel na tutuluyan ng mga atleta para sa halos 3-linggong SEA Games matiyak lamang ang maayos na kalagayan ng mga lokal at dayuhang atleta.
“We call on everyone to unite and live up to the Filipino brand of service and fun that we are known for. Let us rise to the occasion and put our best foot forward,” saad ng DOT sa isang statement.
Bukod sa mga problema sa transportation at lodging ng mga SEA Games athletes, binatikos din ang mga organizers sa mga hindi pa natapos na mga venues, kakulangan sa mga inihahaing pagkain sa mga delegado at problema sa accreditation ng mga foreign journalists.