Magsasagawa ng formal survey ang Department of Tourism (DOT) para sa mga manggagawa sa tourism sector hinggil sa kung ilan sa kanila ang nais na magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, informal surveys pa lamang ang mayroon sila sa kasalukuyan kung saan natukoy na 172,922 tourism frontline service workers ang payag na magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Nabatid na ang mga surveys na ito ay isinagawa ng Philippine Hotel Owners Association, Tourism Congress of the Philippines, at iba pa.
Sinabi rin ng kalihim na karmaihan sa mga manggagawa sa mga hotels na ginagamit bilang quarantine facilities ay natuwa sa announcement ng pamahalaan na magiging bahagi na sila ng A1 vaccine priority group.
Mayo 27 nang inanunsyo ni Puyat na inaprubahan na ng pamahalaan ang pagkakasama ng mga manggagawa sa quarantine at isolation facilities sa ilalim ng A1 priority group.










