-- Advertisements --
image 262

Kumpiyansa ang DOT na maaabot ng Pilipinas ang malaking bilang ng mga turista pagsapit ng 2025 katulad ng mga naitala bago tumama ang pandemya ng COVID19.

Ayon sa nasabing departamento, sa pagsapit ng taong 2025, posibleng maabot ang nasa mahgit 8 million na turista na bumibista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kung matatandaan, noong 2019, nakapagtala ang DOT ng kabuuang 8.3 milyong tourist arrival sa pangunguna ng South Korea, China, United States, Japan at Taiwan.

Dagdag dito, tinatayang 3.35 milyong mga dayuhang manlalakbay ang bumisita sa Pilipinas noong Agosto 9.

Ang nasabing bilang ay mas mababa para sa 4.8 milyon na na-target para sa taong kasalukuyan na kung saan ito ay nagpapakita kung gaano kalakas ang industriya ng turismo ng bansa.

Una na rito, ang DOT ay kumpiyansa sa mga prospect ng sektor ng turismo, matapos alisin ni Pangulong Marcos ang state of public health emergency sa ating bansa dahil sa pandemyang COVID19.