-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Tourism (DoT) na papayagan na ng pamahalaan ang pagpasok ng lahat ng mga banyaga sa bansa sa buwan ng Abril.

Sinabi ni DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ngayon kasi ay bukas lamang ang bansa sa mga foreign tourist na fully vaccinated at dapat ay galing sa 157 visa free countries.

Una rito hinihiling daw noon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dahandahanin muna ang pagtanggap ng pamahalaan ng pagtanggap ng mga banyagang turista habang hindi pa sila nagbubukas ng kanilang mga konsulada sa iba’t ibang bansa.

Sa ngayon nasa mahigit 73,000 na raw ang mga turistang bumisita sa bansa mula nang buksan ito noong Pebrero 10.

Karamihan sa mga dumating sa bansa ay ang mga turista mula South Korea, Estados Unidos, Canada, Australia, Germany, Vietnam at Japan.

Bagamat maliit lamang daw ito kumpara sa dating naitatalang bisita bago ang pandemic ay masaya na rin ang DoT dahil nalagpasan ang kanilang target.

Sinabi ng DoT na bago mag-pandemic, umaabot sa 8 million ang mga turistang bumibisita sa bansa.