Ikinagalak ng Department of Tourism (DoT) ang paggamit ni Miss Universe Philiipines candidate Michelle Dee sa slogan ng turismo na “love the Philippines” sa kaniyang national costume.
Una rito, hati ang reaksyon ng marami sa ginamit na national costume ni Miss Philippines.
May mga nagsasabi na hindi naman ito kumakatawan sa pananamit ng mga Pilipino at lalong hindi ito kumakatawan sa ating kultura.
Gayunman, dumipensa ang followers ni Michelle sa pagsasabing kaya ito nakasuot ng tila eroplano, dahil siya ay Air Force reservist, habang ang slogan ng DOT naman sa likuran na “Love the Philippines” ay bahagi ng kaniyang adbokasiya.
Para sa ahensya, ang presensya ni Miss Philippines sa naturang beauty pageant ay hindi lamang para sa inaasam na korona kundi para ipakita sa buong mundo bakit marami ang nagmamahal sa ating bansa.
Ikinampanya na rin ng DOT si Michelle para sa Miss Universe National Costume Show at sa kabuuan ng pageant journey ng ating kandidata.
-- Advertisements --