-- Advertisements --

Nakahandang magbigay ng tulong ang Department of Tourism (DOT) sa rehabilitasyon ng Philippine Central Post Office (PhiPost).

Ayon kay Tourism Secretary Cristina Frasco, na mahalaga ang pagsuporta sa gobyerno para maibalik sa dating anyo ng gusali na itinuturing ito na bahagi ng kasaysayan.
Isa kasi ang Central Post Office na isinusulong ng tourism department para pasyalan ng mga turista.

Magugunitang umabot sa 30 oras ng lamunin ng apoy ang Manila Central Post Office nitong madaling araw ng Linggo.

Taong 2018 ng ideklara ng National Museum of the Philippines ang Philippine Central Post Office sa Maynila bilang Important Cultural Property (ICP).