-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na makakatulong sa pagpapalakas ng turismo ang nakatakdang job fair sa pagitan nila ng Department of Labor.

Nagkasundo kasi ang DOLE at DOT na magkaroon ng “Trabaho, Turismo, Asenso” para magbukas ng trabaho sa iba’t-ibang tourist destination sa bansa sa darating na Setyembre 22-24 sa SMX Convention.

Ayon kay DoT Secretary Christina Garcia-Frasco, na mahalaga na dagdagan ang mga empleyado sa tourism industry dahil sa pagtaas na ng bilang ng mga international tourist na bumibisita sa bansa.

Mula noong Pebrero aniya ay mayroong mahigit 1.32 milon tourist arrival ang naitala sa bansa.