-- Advertisements --

Binuksan ng Department of Science and Technology (DOST) ang panawagan para sa mga handang mag-disenyo ng ventilators at respirators na magagamit ng mga pasyente ng COVID-19 sa bansa.

Tinawag ng DOST ang pansin ng prospective designers na magsumite ng concept proposals kasama ang letter of intent mula sa isang medical expert o ospital, at tinatayang budget.

“As a leader in enabling scientific solutions through R&D, the DOST-PCIEERD together with the PCHRD opens its doors to our innovators and researchers to share their innovations that will ultimately aid our government respond better to the pandemic and contribute to the healing of our nation,” ani Science executive director Enrico Paringit.

Ayon sa opisyal, kailangang gawa mula sa medical-grade materials ang prototype.

Ang components naman daw ay dapat na naglalaman ng assist control (AC) mode, tidal volume, back-up or respiratory rate (RR), inspiration: expiration (I:E) ratio, fraction of inspired oxygen, alarms, at humidifier.

Inirerekomenda ng DOST na magkaroon ng partnership sa medical experts ang mga interesadong proponent.

Kailangan din daw ng ethics clearance mula sa institusyon na kayang magsagawa ng clinical trial at industry partner na makakakuha ng lisensya para makapag-operate mula sa Food and Drug Administration.

Si Paringit ang pinuno ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD), at Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).

“Ventilators are vital in ensuring that our patients, especially those confined in the ICU, are given the maximum care and support they need to recover,” ani PCHRD executive director Jaime Montoya.

Maaaring ipadala sa rmail address na pcieerd@pcieerd.dost.gov.ph ang proposals bago ang April 28.