Pinaplantsa na ng Department of Science and Technology (DOST) ang gagawin nitong clinical trials sa ilang uri ng gamot na posibleng kontra COVID-19.

Inaprubahan na raw kasi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang gagawing trial sa apat na uri ng gamot mula ibang bansa.

Magsisimula raw ito sa Oktubre at inaasahang tatagal ng anim na buwan hanggang isang taon.

Prayoridad sa gagawing clinical trial ang vulnerable populatio, kabilang na ang mga matatanda.

Sa isang panayam sinabi ni DOST Usec. Rowena Guevarra na malaki ang pag-asa ng kagawaran sa hakbang na ito para sa research and development.

Naniniwala ang Science department na kahit walang katiyakang epektibo ang mga gagamiting gamot sa trial ay makakadiskubre pa rin sila ng bakuna laban sa COVID-19.