-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Science and Technology (DOST) na mayroong 65 na probinsiya ang maaapektuhan ng matinding El Nino simula Mayo 2024.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr na nararanasan ang epekto ng El Nino sa ilang bahagi ng bansa.
Ilan sa mga epekto nito ay ang madalang na pag-ulan na nagreresulta sa pagkatuyo ng mga pananim.
Dagdag pa nito na maaring sa katapusan ng Mayo ay 77 percents ng mga probinsiya sa bansa ay makakaranas ng tag-tuyot o katumbas ng 65 na probinsiya habang may anim na probinisya ang makakaranas ng matinding tagtuyot.
Hinikayat na lamang nito ang mamamayan na magtipid ng tubig bilang paghahanda sa epekto ng El Nino.