Hinimok ng DOST ang mga residente malapit sa Angat River na maging aletro sa posibleng pagbaha dahil nagpakawala ng tubig ang Angat Dam at Ipo Dam sa Bulacan.
Sa pinakauling tala, ang lebel ng tubig ng Angat Dam ay 212.63 meters at patuloy na tumataas dahil sa inaasahang mahinang pag-ulan dulot ng kasalukuyang weather systems.
Ang National Power Corporation ay nagsagawa ng spilling operations na may initial discharge na 60 cubic meters per second.
Sinabi rin ng DOST na ang Ipo Dam, na nasa ibaba ng Angat Dam, ay nagbukas ng isang spillway gate na may initial dischagre na 66 cms.
Ang lebel naman ng tubig nito ay 100.48 meters.
Ang Angat Dam ay may spilling level na 212 meters, habang ang Ipo Dam ay may spilling level na 101 meters.
Ang mga residente sa mababang lugar at malapit sa Angat riverbanks sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy sa Bulacan ay hinihimok na maging maingat dahil maaaring tumaas ang antas ng ilog.