-- Advertisements --
Bumalik bilang head coach ng Philippine Azkals si Thomas Dooley.
Kinumpirma ni Dooley ang nasabing balita sa kaniyang social media.
Naging susi kasi ang beteranong coach sa paglalaro ng Azkals noong 2018 AFC Asian Cup.
Ayon naman sa Philippine Football Federation ang muling pamumuno ni Dooley.
Magsisimula ang pamumuno ni Dooley sa darating na AFC Asian Cup qualifying mula Hunyo 8-14 sa Mongolia.
Magugunitang naging susi ang 61-anyos na si Dooley sa 2-1 panalo ng Azkals laban sa Tajikistan na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum noong Marso 2018 na siyang nagtiyak sa pagkakaroon ng puwesto sa AFC Asian Cup 2019.