Inanunsiyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na “ganap nang nawasak” ang Donbas region at inakusahan ang Russia na sinadya nitong patayin ang pinakamaraming Ukrainians.
Ito ay matapos ang isang lugar sa Chernihiv ay tinamaan ng mga missile ng Russia, na nag-iwan ng maraming patay.
Nasa 12 sibilyan din ang namatay sa Luhansk matapos binomba ng Russian forces.
Malamang na mayroon pa rin daw daan-daang mga sundalong Ukrainian, kabilang ang mga senior commander, sa loob ng kinubkob na planta ng bakal na Azovstal sa Mariupol.
Habang ang isang opisyal ng militar ng Ukraine ay nagsabi na ang paglikas sa planta ay nagpapatuloy.
Sinabi ng defense ministry ng Russia na mahigit 1,700 Ukrainian soldiers ang sumuko sa Azovstal complex mula noong Mayo 16.
Ang bayan ng Bakhmut sa rehiyon ng Donetsk, isang mahalagang hub para sa militar ng Ukrainian, ay nakaranas ng pang-aatake mula sa Russia.