-- Advertisements --

Isiniwalat ng ilang malalapit ni opisyal ni dating U.S. President Donald Trump na nakatanggap na ito ng bakuna laban sa coronavirus noong Enero.

Kasama ni Trump na nagpabkuna ang kaniyang maybahay na si Melania bago sila umalis sa White House noong Enero 20.

Hindi naman ibinahagi ng hindi pa nagpapakilalang opisyal ang eksaktong petsa o kung anong bakuna ang itinurok sa mag-asawa.

Lumabas ang ulat ng pagpapabakuna ni Trump isang araw matapos nitong himukin ang kaniyang mga supporters na dumalo sa Conservative Political Action Conference na magpabakuna.

Ngayong araw ay sisimulan na rin ng Johnson & Johnson ang pamamahagi ng one-shot vaccine sa mamamayan ng Estados Unidos.