Bagaman aminadong disappointed sa katatapos na laban, hindi pa rin nagdedesisyon si Filipino boxer Nonito Donaire Hr, kung magreretiro na siya sa mundo ng boksing.
Ayon kay Donaire, pag-iisipan pa nito kung anong direksyon ang kanyang tatahakin, mula sa katatapos na laban.
Mayroon pa aniyang natitirang lakas sa kanyang katawan sa likod ng pag-abot nito sa edad ng 40 kung saan mahigit kalahati nito ay ginugol niya sa ibabaw ng ring.
Hindi rin naniniwala ang batikang boksingero na pinapabagal siya ng kanyang edad.
Sa kasalukuyan aniya, nananatiling mataas ang kanyang energy lebel, sa kabila ng kabiguan, dahil na rin sa pagmamahal niya sa boxing.
Matapos ang naging pagkatalo i Donaire kontra kay Alexandro Santiago, hawak na ni Donaire ang ang record na 42 – 8. 28 dito ay pawang mga knockout.
Maalalang noong kabataan pa lamang ng batikang Filipino boxer ay naging hari siya sa ibat ibang mga weigth category, katulad ng flyweight, bantamweight, super-bantamweight at featherweight ngunit kinalaunan ay sunod-sunod na ang kanyang pagkatalo, hanggang sa naagaw na rin mula sa kanya ang mga hawak na boxing championship belt.