-- Advertisements --
Nakabalik na sa $100-bilyon ang dollar reserves ng bansa.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon makalipas ang pitong buwan.
Itinuturing naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tila nakakabawi na ang Pilipinas sa kaniyang foreign exchange reserves.
Noong Enero kasi ay nagtala ng $3.1 bilyon surplus ang balance of payment (BOP) ang bansa na mayroong $102 milyong deficit na naitala sa parehas na buwan din noong nakaraang taon.
Mula sa $96.1 bilyon sa pagtatapos ng Disyembre ay naging $100.7 bilyon na ang gross international reserves ng bansa.
Malaking tulong dito ang mga dollar remittance mula sa overseas Filipino workers.










