Nanindigan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong sapat na dollar reserves ang bansa.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona, na ang nasabing dollar reserves ay kayang harangin ang banta ng economic slowdown at ang pagtaas ng interest rate ng US Federal Reserves.
Sa pinakahuling datus ng BSP nitong Hulyo ay mayroong $99.7 bilyon dolyar ang gross international reserves ng BSP.
Tumaas ito mula sa dating $99.4 bilyon noong buwanng Hunyo.
Ang naging susi aniya nito ay dahil sa net foreign exchange operatios at mga kita ng gobyerno sa mga investments abroad at ang foreign currency deposits ng National Government.
Hindi naman nito itinanggi na asahan ang global spillover at pagbagal ng economic growth dahil sa pagtaas ng interest rate ng US Federal Reserves.










