Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa mga pribadong kompanya sa tama at on-time na pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Ayon kay Justin Paul Marbella ang siyang Information Officer ng DOLE Region 1, na ang 13th month pay ay nakasaad sa batas kung saan ito ay nagtatakda sa mga kompanya na ibigay ang naturang insentibo sa kanilang mga mangagawa bago pa sumapit ang ika-24 ng Disyembre.
Paliwanag pa nito na hindi pwedeng ibigay ang 13th month pay ng ‘in kind’ at kailangang cash ang matanggap ng mga empleyado.
Pagdidiin din ni Marbella na ang lahat ng mga manggagawang nakapagrender na ng 30 araw o isang buwan ay maaari nang mabigyan ng 13th month pay .
Dagdag pa ng naturang opsiyal na kung hindi man maibigay ang insentibo ay dapat na kausapin agad ng employee ang kaniyang employer upang magkaroon ng kasunduan hinggil sa pagbibigay nito.
Maaari naman aniyang hati-hatiin ang pagbibibigay nito sa loob ng isang taon basta ang natitirang kalahati ay maibibigay bago ang December 24.
Nilinaw din nito na hindi rin mandatory ang pagbibigay ng christmas bonus at dedepende na lamang ito sa kapasidad ng mismong kakayahan ng sektor.