-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers sa tamang pasahod sa kanilang empleyadong papasok ngayong araw Mayo 1 o Labor Day.

Sa advisory No. 7 ng DOLE na ang sinumang empleyado na papasok sa regular holiday ay makakatanggap ng doble sa kanilang arawang sahod.

Hindi naman kasali dito ang mga establishimento na nagsara matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Nakasaad pa sa advisory na ang mga empleyado na hindi pumasok ngayon araw ay makakatanggap pa rin ng 100 porsyento ng kanilang arawang sahod habang ang empleyado na pumasok ng mahigit walong oras ay mababayaran ng karagdagang 30 porsyento ng kaniyang sinasahod kada oras dagdag pa sa 200 percent na kaniyang tatanggapin.

Ganun din ang sistema kapag ang empleyado ay pumasok sa araw ng kaniyang day-off at ang pag-overtime ngayong araw ng paggawa o Labor Day.