-- Advertisements --
Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers ng pribadong sektor na mayroong hanggang Disyembre 25 ang pagbibigay ng mandatory 13th month pay.
Sinabi ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez , na naaayon sa Labor Code of the Philippines at Presidential Decree 851 na mandatory ang pagbibigay ng 13th month pay.
Bagamat walang sanctions o penalty ay mararapat na sumunod sa compliance order ang mga private employers.
Patuloy din ang ginagawa nilang monitoring sa mga private sectors para matiyak na naibibigay sa tamang oras ang mga benepisyo ng kanilang manggagawa.