-- Advertisements --
Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat ibigay ng libre ng mga private company ang mga bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III na ipinagbabawal sa batas na ipabayad sa empleyado ang nasabing bakuna dahil sagot ito ng gobyerno.
Kahit na ang mga kompaniya na bibili ng sariling bakuna ay dapat ito ay maging libre rin.
Malaking tulong kasi sa kompaniya na mabakunahan ang kanilang empleyado para maging ligtas ang mga ito.