-- Advertisements --
Nangangailangan daw ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng karagdagang vaccine encoders dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga gustong magpabakuna.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DILG) Usec. Jonathan Malaya, ang mga iha-hire na karagdagang encoders ay siyang magpa-facilitate sa reporting ng vaccination data.
Nasa 100 slots daw ang bubuksan para sa mg aplikante sa National Capital Region (NCR) lamang.
Ipapadala ang mga ito sa mga local government untis (LGUs) na nangangailangan ng tulong sa data encoding.
Una rito, ngayong Nobyembre ay nagbabala ang DILG sa mga LGUs na maglalabas ang mga ito ng show-cause order sa mga lokal na pamahalaang bigong magsumite ng kanilang vaccination record.