-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng aabot sa 500 na magsasaka mula sa South Cotabato matapos na mabigyan ng pinansyal na tulong mula sa Department of Labor and Employment.

Sila ang mga magsasakang pinili ng ahensya dahil sa ipinakita nitong dedikasyon sa pagsasaka.

Kabilang rin sila sa listahan ng mga magsasaka na inirekomenda ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) sa Public Employment Service Office na kailangang matulungan dahil sa epekto ng mild El Niño phenomenon sa bansa.

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng abbot sa tig P7,800.00 .

Ito ay mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers o Tupad sa ilalim ng programa ng DOLE.

Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ng RDCN, OPAG at ng Provincial Information Office.\

Bukod sa pinansyal na ayuda ay namahagi rin ang mga ito ng leaflets o babasahin hinggil sa mitigating measures sa panahon ng El Niño sa mga magsasaka.