Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers ng tamang pasahod ngayong Hunyo 12 na regular holiday sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng 125th Independence Day.
Ayon sa DOLE na naglabas na sila ng Labor Advisory 13 series of 2023 ukol sa nasabing tamang pasahod.
Nakasaad sa nasabing advisory na mababayaran ng buo ang isang empleyadong hindi pumasok sa araw na ito habang makakatanggap naman ng doble ang sahod ng isang empleyado na pumasok ngayong araw.
Ang empleyado naman na nagtrabaho ng mahigit walong oras ay makakatanggap ng 30 percent ng kaniyang hourly rate at ang 200 percent na sahod nito sa isang araw.
Sakaling nataon na day-off ng isang tao at ito ay pumasok pa ay makakatanggap siya ng dagdag na 30 percent bukod pa 200 percent ng kaniyang arawang sahod.